Desk auditing, iwas corruption
MANILA, Philippines - Upang matiyak na walang lulusot na malalaking kumpanya at makapandaraya sa kanilang buwis na babayaran, ipinanukala ni Manila Deputy Mayor Joey Silva ang ‘desk auditing’.
Sa pamamagitan ng ‘desk auditing scheme’ ang lahat ng auditing ay magaganap sa tanggapan ng license division at sa harap ng mga opisyal kabilang na ang BIR examiner at ng mga accountant ng mga private firm.
Sa ganitong paraan ay matitiyak na transparent ang magiging transaksyon at walang magaganap na anumang iligal o yung tinatawag na “under the table.”
Inamin din ni Silva na siyang concurrent chief ng Personnel at Licensing Department, na sa pamamagitan nito ay daang milyong piso ang makakalap at maisasalba ng lungsod.
Ang bagong sistema ni Silva ay alinsunod na rin sa direktiba ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na tiyaking transparent ang lahat ng transaction na magaganap sa pagitan ng Manila City Hall at ng mga private companies. (Doris Franche)
- Latest
- Trending