^

Bansa

10 sentimo singil sa text ilalaban ni Nograles

-

MANILA, Philippines - Susuportahan ni House Speaker Prospero Nogra­les ang hakbangin upang mapababa sa 10 sentimo ang bayad sa text message at hindi Ito Ipapasa sa mga consumers nito.

Aniya, kahit na ang consumers ang pinagba­bayad ng 10 sentimo ay lumala­bas pa rin na sobra ang singil ng mga telecommunication companies ng P65 sentimo kada text.

Ikinatuwiran ni Nogra­les na bagama’t maliit tingnan ang halaga ng P10 sen­timo, malaki pa rin ang ha­laga nito kung pagsasama-samahin at ilalaan sa health care at educational program ng gobyerno.

Sinabi pa ng kongre­sista na ang tunay na ha­laga lang ng text message ay P25 sentimo ngunit pinagbabayad ng telcos ng P1.00 kada text.

Aniya, dapat na mag­be­nepisyo ang publiko sa mga telcos bilang texting capital of the world at hindi lang ang mga ito ang naki­kinabang sa kanilang consumers .

Idinagdag pa ni No­gra­­les na lahat ng antas ng Pinoy sa bansa ay guma­ga­mit ng cellphone at nag-uubos ng load kung kaya’t ang mga telcos ay kumikita ng P2B araw-araw sa text messages pa lang. (Butch Quejada)

ANIYA

BUTCH QUEJADA

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRA

IDINAGDAG

IKINATUWIRAN

ITO IPAPASA

NOGRA

PINOY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with