^

Bansa

Verzosa umalma sa teleserye

-

MANILA, Philippines - Umalma kahapon si Philippine National Police (PNP) Chief Director Ge­ne­ral Jesus Verzosa mata­pos gawing katawa-tawa sa publiko ang kan­yang imahe sa isang co­medy soap opera.

Sinabi ni Verzosa na may karapatan ang PNP na pumalag sa mga movie at television producers na tuwirang tumu­tukoy sa isang opisyal na idinadawit sa mga illegal na gawain o ginagawang sentro ng katatawanan sa isang pelikula.

Hindi naman tinukoy ni Verzosa kung anong tele­serye ito na nagtapos ka­ma­kailan na nagpakita sa isang 4-Star General ng PNP na dinuduro-duro sa ilong at bunga nito ay na­ging pokus ng katata­wanan sa eksena.

Sinabi ni Verzosa na tinamaan siya sa nasa­bing palabas dahil ang binibira nito ay ang pu­westo ng PNP Chief na ayon dito ay nagiging da­hilan upang lalo pang mahirapan ang PNP na mapaganda ang kani­lang imahe sa harap ng kani­lang isinusulong na transformation program. 

Sa nasabing teleserye ay isang de-bigoteng si­kat na actor na gumanap na 4-star general ang siya pang utak ng drug syndicates kung saan ayon kay Ver­zo­sa ay malinaw na siya ang pinatatamaan dahilan iisa lamang ang Chief ng PNP.

Ang Chief PNP ay kilala sa bansag na ‘Bi­gote ‘ lalo na noong nasa Intelligence pa ito ng PNP bagaman nagtanggal na ito ng bigote.

Sinabi naman ni PNP Directorate for Police Community Relations Chief P/Director German Doria na makikipag­pu­long sila sa mga movie at television producers na kung ga­gawa ng palabas na tu­mutukoy sa imahe ng PNP ay magkaroon muna ng konsultasyon sa kanilang mga opisyal. (Joy Cantos)

ANG CHIEF

CHIEF DIRECTOR GE

DIRECTOR GERMAN DORIA

JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

SHY

SINABI

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with