^

Bansa

Peanut butter na may Salmonella, pinatatanggal sa pamilihan

-

MANILA, Philippines - Inalarma ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ang publiko at mga retailer na huwag ibenta ang ilang batch ng peanut butter spread na nag­positibo sa Salmonella ka­sabay ng kautusang bawiin ito sa merkado.

Sa health advisory ng BFAD, inutos nito ang aga­rang recall ng dala­wang batch ng Yummy Sweet and Creamy Peanut Spread 224 grams at 490 grams na may batch numbers 3040905 at 11240810 at ‘best before o expiry dates’ dates na 90409 at 52409.

Inatasan din ang Sa­muya Food Manufacturing, Inc., na nasa Pasay City ang factory, na itigil ang pagsusuplay ng nasabing batches ng peanut spread bunsod nang pagkaka­dis­kubre na positibo ito sa Salmonella, ayon sa ipi­nadalang liham ng BFAD noong Marso 12, 2009.

Ang salmonella ay isang organism na maaaring ma­ging sanhi ng impeks­yon, lagnat, diarrhea, pag­­su­su­ka, pagkahilo at pa­na­na­kit ng tiyan.

Sinumang nakakain ay maaring gumaling sa loob ng 2 hanggang 3 araw at kung magtutuloy-tuloy pa ay komunsulta sa doktor at huwag hayaang ma-dehydrate sa pama­magitan ng pag-inom ng tubig upang mapalitan ang nawawalang likido sa katawan na maaring ma­uwi sa kamatayan. (Ludy Bermudo)

BATCH

FOOD MANUFACTURING

INALARMA

INATASAN

LUDY BERMUDO

MARSO

PASAY CITY

SHY

SINUMANG

YUMMY SWEET AND CREAMY PEANUT SPREAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with