PANOORIN: BINI at SB19, nominado sa Grammys
MANILA, Philippines — Nakatanggap ng nominasyon sa Grammy Awards ang P-pop groups na BINI at SB19 sa bagong kategoryang Best Asian Pop Music Performance.
Nominado ang BINI para sa kantang “Unang Kilig,” habang pasok naman ang SB19 para sa “Visa.”
Kabilang din sa mga nominado sa kategorya ang Korean girl groups na IVE at KiiKii para sa "Bang Bang" at "404 (New Era)," ang Japanese singer na si LiSA para sa "Yes," at ang Japanese band na Babymetal kasama ang American rock band na Polyphia para sa "Sunset Kiss."
Gaganapin ang 2027 Grammy Awards sa Pebrero 7 sa Los Angeles, California.
Matatandaang nagtanghal ang BINI sa Coachella ngayong taon, habang nakatakda namang mag-perform ang SB19 sa naturang music festival sa 2027.
—
Script at voiceover ni Hannah Santos
Editing ni Geraldine Santos
- Latest



















