^

Bansa

Lacson dapat magpa-lie test

-

MANILA, Philippines - Dapat pumailalim si Senador Panfilo Lacson sa lie detector test para malaman kung nagsasabi siya ng totoo sa kanyang pahayag na wala siyang kinalaman sa pagkakapaslang sa dating public relation man na si Salvador Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000.

Ito ang iminungkahi kamakailan ng Balikatan People’s Alliance, isang pederasyon ng non-government organization, bilang tugon sa mga pagtatanggol ni Lacson sa sarili nito makaraang gumawa ng affidavit ang dati nitong tauhan sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force na si Cesar Mancao.

Sinabi ng tagapangulo ng Balikatan na si Louie Balbago na dapat sa harap ng publiko gawin ang lie detector test kay Lacson.

Pinuna ng Balikatan na, sa halip pagtuunan ng pana­hon ang trabaho bilang mambabatas, inuubos ni Lacson ang buwis ng mamamayan sa kanyang mga defensive gimmick bagaman hindi pa nalalantad ang nilalaman ng affidavit ni Mancao. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

BALIKATAN

BALIKATAN PEOPLE

BUTCH QUEJADA

CESAR MANCAO

EMMANUEL CORBITO

GEMMA GARCIA

LACSON

LOUIE BALBAGO

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

SALVADOR DACER

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with