^

Bansa

Makinarya sa 2010 polls mahinang klase raw

-

MANILA, Philippines - Kinondena ni ZTE-NBN deal whistle blower Jose “Joey” de Venecia III ang mahinang uri ng mga computers na nakatakdang gamitin para sa 2010 elections na pinondohan ng P11B ng Commission on Elections.

Ayon sa batang de Venecia, malaki pa rin ang posibilidad na magkaroon ng dayaan kahit pa computerized na ang sistema ng election sa 2010 dahil hindi plakado ang Open Election System optical scan software ng Comelec at bukas na bukas pa rin ito sa mga computer anomalies tulad ng hacking.

Aniya, dapat piliin ng Comelec ang mga makinaryang ginagamit ng mga bansang demokratiko gaya ng US, UK at Japan.

Si de Venecia ay kilala sa larangan ng Information technology at nagpasimula ng Philippine Call Center Industry sa bansa at una rin nagpakilala sa business process outsourcing company noong 1990. (Butch Quejada)

ANIYA

AYON

BUTCH QUEJADA

COMELEC

KINONDENA

OPEN ELECTION SYSTEM

PHILIPPINE CALL CENTER INDUSTRY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with