^

Bansa

Publiko at mga taga-Bulacan, kinalma na sa Ebola

-

MANILA, Philippines - Kinalma ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Department of Agriculture (DA) ang publiko laluna ang mga taga-Bulacan na wala ng dapat ikabahala sa mga alagaing hayop sa lala­wigan dahil wala ng na­na­nalasang Ebola virus­ sa mga baboy .

Ito ay bunsod na rin ng pagtiyak ng local health authorities ng Bulacan na walang dapat ipangamba ang mga taga rito dahil napatay na lahat ang baboy na may ebola at patuloy ang isinasa­ga­wang disinfection stage sa mga babuyan dito.

Ayon kay Dr. Joy Gomez, bulacan health officer, minimal lamang naman ang usok na nililikha ng proseso, at malaking tulong dito ang patuloy nilang pagtatabon ng ipa at lupa sa mga sinunog na baboy upang hindi magbuga ng ma­kapal na usok.

Ilang residente sa lugar ang nagrireklamo sa masangsang na amoy na kanilang naaamoy mula sa nabanggit na hog farm at nangangambang baka ito makaapekto o mag­dulot ng peligro sa kani­lang kalusugan.

Ayon kay Gomez, po­sibleng ang ginagamit na disinfectant lamang ang naaamoy ng mga resi­dente subalit wala ani­yang dapat ipag-alala rito.

Samantala, inaa­sa­han namang maipala­labas na bukas ang re­sulta ng isinagawang pag­susuri sa water sam­ple sa Pandi, upang ma­tiyak na ligtas ito sa mga residente matapos ang depopulation process. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BULACAN

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

CRUZ

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DR. JOY GOMEZ

EBOLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with