^

Bansa

Gabriela nagprotesta sa Women's Day

-

MANILA, Philippines - Tinatayang may 10,000 kababaihang miyembro ng Gabriela ang lumahok sa isinagawang kilos protesta sa taunang selebrasyon ng “Women’s Day”sa Men­diola, Maynila.

Ayon kay Gabriela secretary general Emmie de Jesus, patuloy ang kanilang hanay sa pag­susulong sa interes ng mga kababaihan at ng buong bayan.

Nagsimula mag-mar­tsa ang mga kababaihan sa may Mabuhay Ro­tonda hanggang sa Men­diola kung saan isina­gawa ang kanilang pro­grama.

Iginiit ng grupo sa pamahalaang Arroyo ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) at ang paglalagay sa kustodiya ng gobyerno ng Piipinas ng Ameri­kanong sundalo na si Lance Corporal Daniel Smith

Bukod dito, binatikos din ng Gabriela ang pa­patin­ding gutom na dina­ranas dahil sa patuloy na retrenchment ng mga kababaihang mangga­gawa.

Iginiit din nito, ang pagbibigay ng pamaha­laan ng proteksiyon sa mga manggagawang ka­babaihan at tulong sub­sidiya sa mga nawalan ng trabaho. (Doris Franche)

AMERI

AYON

BUKOD

DORIS FRANCHE

GABRIELA

IGINIIT

LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

MABUHAY RO

SHY

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with