^

Bansa

Oblation run ng APO malisyoso - Obispo

-

MANILA, Philippines - Itinuturing ni Diocese of Tagbilaran Bishop Leo­ nardo Medroso na  malis­yoso at kawalan ng moral ang ginawang “Oblation run” ng Alpha Phi Omega Fraternity sa University belt sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Medroso, hindi tama ang ginawa ng mga estudyante dahil ma­ra­ming mga inosenteng kabataan ang nakasaksi sa pangyayari na posibleng naka-agaw pansin sa kani­lang isipan at makapag-likha ng malisya sa mga nakapanood.

Sinabi ni Medroso na ayaw ng simbahang kato­lika na malagay sa kahihi­yan ang moralidad ng mga kabataan.

Aniya, kung nais ng mga ito na ipaabot ang ka­nilang hinaing sa pamaha­laan maaari naman itong gawin sa maayos na pa­raan at hindi pagpapakita ng kani­ lang hubad na ka­tawan.

Sinabi naman ni Linga­yen Dagupan Archbishop Oscar Cruz na nais lamang ng mga estudyante na puka­ win ang atensiyon ng taong bayan kaugnay sa serye ng katiwalian at iba pang mga kaganapan sa bansa.

Gayunman, nilinaw ni Archbishop Cruz na wala pa rin sa lugar ang naturang gawain dahil ipinakita ng mga kabataan ang kanilang hubad na katawan sa mad­ la. (Doris Franche)

vuukle comment

ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY

ANIYA

ARCHBISHOP CRUZ

DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

DIOCESE OF TAGBILARAN BISHOP LEO

DORIS FRANCHE

MEDROSO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with