GMA nakikipagbati na kina Cory at Erap
MANILA, Philippines - Nakahanda si Pangulong Arroyo na iabot ang kanyang kamay para sa pagkakaisa kina dating Pangulong Cory Aquino at dating Pangulong Erap Estrada upang maging katuwang ng gobyerno na labanan ang posibleng maging epekto ng global economic crisis.
Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, ito ang pangunahing layunin ni Pangulong Arroyo upang “ga-mutin” ang sugat na idinulot ng EDSA 1 at EDSA 2.
Ani Remonde, ang pagdiriwang ng 23rd EDSA 1 anniversary ang isa sa “most touching” na anibersaryo.
“Primary because of the presence of the 2 major players of EDSA 1 in the person of Senate President Juan Ponce Enrile and Sen. Gringo Honasan and other members of RAM whom we know were the ones that initiated EDSA 1,” paliwanag pa ni Remonde. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending