^

Bansa

DOJ umaasa ng kapatawaran para mapalaya na ang 10 Ninoy killers

-

MANILA, Philippines - Umaasa si Justice Secretary Raul Gonzalez na magkakaroon ng ka­pa­tawaran sa puso ng ibang tao upang tuluyang mapalaya ang 10 sundalo na akusado sa pagpatay kay dating senador Be­nigno “Ninoy” Aquino at kay Rolando Galman noong Agosto 21,2983.

Ito’y matapos aminin ni Gonzalez na sa kabila ng endorsement ng DOJ para sa executive clemency ng 10 sundalo ay maari pa rin umano itong harangin at tutulan ng pamilya ni dating Pangu­long Cory Aquino.

Sinabi ng Kalihim na malaki ang posibilidad na maharang ang paglaya ng mga sundalo sa san­daling tumutol ang pamil­ya Aquino.

Idinagdag pa ni Gon­zalez na ginawa niya ang endorsement sa Pangulo matapos na irekomenda din ng Burau of Corrections and Board of Pardons and Parole ang pag­papalaya sa mga sun­dalo.

Bukod dito, para sa makataong dahilan na rin umano kaya dapat na mapalaya ang mga ito dahil sa bukod sa tuma­tanda na ang mga ito ay mayroon na rin silang mga sakit at dapat na magpagaling sila sa piling ng kanilang mga pamilya.

Kabilang sa 10 sun­dalo sina Arnulfo Artates, Ro­ meo Bautista, Jesus Cas­tro, Ruben Aquino, Arnulfo de Mesa, Rodolfo Deso­long, Claro Lat, Er­nesto Mateo, Felomino Miranda at Rogelio Moreno. (Gemma Amargo-Garcia)

AQUINO

ARNULFO ARTATES

BURAU OF CORRECTIONS AND BOARD OF PARDONS AND PAROLE

CLARO LAT

CORY AQUINO

FELOMINO MIRANDA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JESUS CAS

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with