^

Bansa

Nurse nawasak ang mukha

-

MANILA, Philippines - Isang Pinay nurse ang humihingi ng P20 milyong danyos laban sa Belo Medical Group matapos uma­nong masira ang mukha ng una makaraang sumailalim sa “Thermage procedure.

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang nurse na itinago sa pangalang “Lily,” isang immigrant ng Edison, New Jersey, USA upang pormal na magsampa ng kasong kriminal at admi­nistratibo sa Belo Medical Group, Inc. at sa doktor na nagsagawa ng procedure sa kanyang mukha.

Ang reklamo ay bunsod sa aniya’y matinding kahi­hiyan sa tinamo nitong ‘permanent facial injuries’ ma­tapos ang “Thermage procedure” na isinagawa ng isang Dr. Jennifer Sison sa Belo noong Hulyo 8, 2008.

Nabatid na nagtungo lamang sa Pilipinas si Lily upang magpakonsulta noong Hulyo 5, 2008 sa Belo Medical Group Inc. na matatagpuan sa Suite Me­dical Plaza Makati sa Amor­solo St. panulukan ng dela Rosa St., Legaspi Village, nasabing lungsod. Mata­pos ang konsultasyon ay hini­ mok umano siya ni Dr. Sison na magpa-”Ther­mage procedure” na nag­ka­kahalaga ng P120,000. 

Pinatulog si Lily bago isinagawa ni Dr. Sison ang Thermage procedure kung saan ginuguhitan ng maliliit na square ang mukha saka isa-isang nili-lazer bilang isang pamamaraan ng pagpapaganda at pagpa­pabata.

Nang magising ay ma­gang-maga umano ang kanyang mukha. Ilang araw ang lumipas ay nagtutubig, nagkabitak-bitak at bagba­bakbak ang mukha nito bu­nga ng matinding pagka­sunog. 

Nang matapos ang “duration” ng pananatili sa Ma­nila, ay halos hindi aniya siya makilala sa dati nitong anyo hanggang sa lumala subalit binigyan lamang siya ng cream o pampa­pahid ng Belo. Upang hindi masita sa Immigration sa NAIA sa kanyang takdang pag-uwi sa US, napilitang kumuha ito ng sertipikas­yon sa Belo na nagpapa­tunay na suma­ilalim sa “thermage procedure” na dahilan ng pagba­bago ng mukha nito kum­para sa kanyang larawan sa passport.

Sa unang ipinadalang demand letter ni Atty. Ar­ nold Naval ng Naval Ca­culitan Rangunjan Law Office na siyang may hawak ng kaso, hiniling ng kanyang kliyente na mag­bayad ang Belo Group ng halagang P20 mil­yon bilang danyos kasama na ang ginastos nito.

Sinabi ni Lily na kabilang sa kakasuhan nito ng reckless imprudence resulting to serious physical injuires at medical malpratice sina Victoria “Vikki” Belo bilang Medical Director ng Belo Group at Dr. Sison na res­ ponsable sa aniya’y mga tinamo nitong peklat sa mukha bunga ng naturang procedure.

Napag-alaman naman na sertipikado si Vikki Belo na magsagawa ng natu­ rang procedure. (Ellen Fernando)

BELO

BELO GROUP

BELO MEDICAL GROUP

BELO MEDICAL GROUP INC

DR. JENNIFER SISON

DR. SISON

ELLEN FERNANDO

PROCEDURE

SHY

THERMAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with