Biyaya sa beterano nilinaw ng PVAO
Nilinaw kahapon ni Philippine Veterans Affairs Office Administrator at Defense Undersecretary Ernesto Carolina na tanging ang mga buhay na beteranong Pilipino lang ang masasakop ng Veterans Equity Bill kung saan mabibigyan ng lumpsum money ang mga ito at hindi na isasama ang mga patay nang beterano ng World War II.
Ito aniya ay matapos na aprubahan ng United States Congress ang nasabing batas kung saan ang mga Filipino veterans na nasa bansa ay mabibigyan ng $9,000 lump sum benefit habang ang mga nag-migrate na sa US ay tatanggap ng $12,000. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending