$10-M hinging ransom sa 3 ICRC workers
Humihingi ng $5-10 milyong ransom ang mga bandidong Abu Sayyaf kapalit ng pagpapalaya sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC).
Kinumpirma ni Khaled Musa, tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang panghihingi ng naturang ransom ng mga kidnaper kung saan sa website ng MILF, mistulang pinupuwersa ng rebeldeng grupo ang pamahalaan na magbayad na ng ransom dahil wala naman umanong ibang alternatibo para mapalaya sina Swiss Andreas Notter, Italyanong Eugenio Vagni at Pilipinong si Jean Lacaba.
“The government is in a bind: It wants to unleash its military to run after the kidnappers but at the same it does not want to put the victims’ life at jeopardy; it strictly maintains ‘no ransom policy’ but knows also that the kidnappers want nothing except money. The bottom line of every kidnapping is money. Rarely kidnapping is done on purely political reason,” ayon sa pahayag ni Musa sa arti kulo sa kanilang website.
Una nang nag-alok ng tulong ang MILF para makipagnegosasyon at mapalaya ang mga biktima ngunit tinanggihan ito ng Armed Forces of the Philippines.
Kasabay nito, hinamon naman ng military ang MILF na tulungan sila sa pag-aresto sa kanilang mga “lawless” kumander at mga miyembro na posibleng sangkot din sa nagaganap na pagdukot sa Mindanao.
Ginawa rin ang paghamon matapos na salakayin na naman ng MILF ang Brgy. Pugaan, Iligan City nitong nakaraang Biyernes kung saan pinaulanan ang mga alagang hayop ng mga residente dito. Sinalakay rin ng MILF sa pamumuno ng isang alyas Jabbar ang Brgy. Malimbato, Tagoloan, Lanao del Norte.
- Latest
- Trending