^

Bansa

Walang dagdag singil sa tubig - Malacañang

-

Siniguro kahapon ng Malacañang na walang maga­ganap na pagtaas sa singil sa tubig taliwas sa naging paha­yag ng Maynilad Waters Inc.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, pinapipigil ni Pangulong Arroyo ang anumang pagtataas sa singil sa tubig kaya dapat umanong magpaliwanag ang pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil ipinangako nito mismo sa taumbayan na walang magaganap na water rate increase sa taong ito.

Aniya, bumababa na ang singil sa kuryente pero bakit gustong itaas naman ang singil sa tubig.

Ayon kay Sec. Remonde, kapag itinuloy ng MWSS ang pagbibigay ng permiso sa Maynilad na magtaas sa singil ay direktang pambabastos ito sa kautusan ng Pangulo. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

AYON

MALACA

MAYNILAD

MAYNILAD WATERS INC

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with