^

Bansa

Hanggang Abril ang taning para isoli, Dela Paz kinukulit na sa 105,000 Euros

-

Binigyan lamang ng hanggang Abril ng kasa­lukuyang taon na palugit ng National Police Co­mission (Napolcom) si da­ting PNP comptroller ret. Gen. Eliseo dela Paz para isauli ang 105,000 euros o P6.9 milyon sa pamaha­laan na unang pinigil ng Russian authorities noong Ok­tubre 2008.

Ayon kay Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Ronaldo Puno na siya ring Napolcom chairman, mapi­pilitan sila na singilin si dela Paz kung hindi maisasauli ang naturang pera sa tak­dang panahon.

Nabatid na pinigil na rin ng Napolcom ang lahat na retirement benefits ni dela Paz. 

Una ng sinabi ni Atty. Noel Malaya na nasa bank account na ni Atty. Alexie Binetskiy, abogado ni dela Paz sa Russia, ang natu­rang pera.

Gayunman, responsi­bilidad umano ni dela Paz na maibalik sa kaban ng pamahalaan ang naturang halaga ng walang labis at kulang sa itinakdang pa­lugit dito. (Rose Tesoro)

ABRIL

ALEXIE BINETSKIY

AYON

NAPOLCOM

NATIONAL POLICE CO

NOEL MALAYA

PAZ

ROSE TESORO

SECRETARY RONALDO PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with