^

Bansa

Usapan sa Senado dapat Filipino - Lapid

-

Didinggin na sa Mar­tes ng Rules Committee ng Senado ang panuka­lang batas na isinusulong ni Sen. Lito Lapid na nag­la­layong isalin sa wikang Filipino ang “Rules of the Senate” at ga­mitin rin ang pam­bansang wika sa lahat ng opisyal na usa­pan lalo na sa mga pag­dinig.

Sa resolusyon ni Lapid, sinabi nito na “ang wikang Filipino bilang pangunahing wika ng ating bansa ay nararapat magamit bilang wika ng alituntunin na gagabay sa institusyon ng Se­ nado”.

Simula nang maging senador si Lapid, hindi ito nakikilahok sa de­ batihan sa plenaryo na kalimitan ay wikang English ang ginaga­mit sa usapan.

Halos hindi rin ito nag­papa-interview sa media pero palagi na­mang pre­sent kung may sesyon.

Ayon pa sa resolus­yon ni Lapid, dapat mag­sagawa ng mga hakba­ngin ang pa­mahalaan para maitaguyod ang wikang pambansa o Filipino.

Kung si Lapid ang ma­su­sunod, nais rin nitong ga­mitin ang Filipino sa pag­tuturo sa mga paara­lan.

Mas marami rin uma­no ang makakaunawa kung ang Rules ng Sena­do ay isasalim sa salitang Filipino at maging lahat ng doku­mento na nang­gagaling sa Institusyon.

Mas magiging ma­ayos din umano ang ko­munikas­yon sa pagitan ng mga ma­mamayan at mga senador kung Filipino ang paiiraling wika sa Mataas na Kapulu­ngan ng Kongreso.

Kung ganap na pagti­tibayin ng mga senador ang resolusyon ni Lapid, isang adhoc committee ang bu­buuin para sa pag­papatu­pad nito. (Malou Escudero)

AYON

DIDINGGIN

FILIPINO

INSTITUSYON

LAPID

LITO LAPID

MALOU ESCUDERO

RULES COMMITTEE

RULES OF THE SENATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with