^

Bansa

FG nakaladkad sa bidding anomaly

- Ni Malou Escudero -

Muli na namang naka­ladkad ang pangalan ni First Gentleman Mike Arroyo sa kontrobersiyal na pagkaka-ban ng tatlong contractor na nakakakuha ng mga road projects sa bansa at hinihinalang nag­kakaroon ng sabwatan sa bidding ng mga proyekto.

Bagaman hindi taha­sang tinukoy ni Sen. Pan­filo Lacson na sangkot si First Gentleman sa suhu­lan sa bidding ng mga road projects sa Pilipinas, ibinunyag nito sa pagdinig na halos 20 beses na nakipag-meeting sa kanya ang may-ari ng EC de Luna Construction noong 2002 na si Eduardo de Luna.

Itinanggi naman ni de Luna na malapit siya kay Arroyo at ipinakilala la­mang umano ito sa kanya ng dating radio reporter na si Resty de Quiros.

Bagaman at sinabi pa ni de Luna na nasa tatlong beses lamang niyang naka-meeting si Arroyo, kinontra ito ni Lacson dahil mahigit umano sa 20 beses silang nagkita.

“Refresh ko ang me­mory mo. You met with him (Mike Arroyo) on March 1, 2004, 4pm, June 20, 6pm, Manila Pen Business Center, July 5, 2pm LTA building, September 6, 4pm, kasama mo si Resty, September 30, 5pm,” sabi ni Lacson.

Karamihan umano ng meeting nina de Luna at Unang Ginoo ay nangyari sa pagitan ng 4-5pm.

Bukod kay de Quiros, may pagkakataon din umano na kasama ni de Luna sa pakikipag-meeting kay FG si dating Agriculture undersecretary Jo­celyn “Jocjoc” Bolante.

Tahasan ding tinukoy ni Lacson na si de Luna ang nagdala ng diumano’y P70 milyon sa LTA building para ibigay sa isang ‘maka­pang­yarihang’ tao.

Matatandaan na luma­bas sa ilang pahayagan na sumambulat sa hagdanan ng isang building sa Makati ang nasa P70 milyon na hinihinalang padulas para sa road project.

“There were witnesses who saw this particular incident,” sabi ni Lacson.

Pero katulad ng ina­sahan, itinanggi ni de Luna ang mga akusasyon sa kanya ni Lacson.

Ipinagtataka ni Lacson kung bakit malalaking kon­tratista lamang ang naka­kakuha ng mga ma­ lalaking kontrata at ipi­nahiwatig nito na may sindikato sa loob ng Department of Public Works and Highways.

Ayon kay Lacson, kina­kausap na niya ang mga testigo pero natatakot pa ang mga itong humarap sa imbestigasyon.

Samantala, pansa­man­talang tinapos ang hearing sa sinasabing suhulan sa bidding ng road projects pero muli itong bubuksan kapag may lu­mu­tang ng testigo. 

Samantala, hinamon naman kahapon ng Mala­ca­ñang si Sen Lacson na maglabas ng ebidensiya matapos nitong iugnay ang Unang Ginoo sa alegas­yon ng katiwalian sa bidding ng mga proyekong pinopondohan ng World Bank.

Sinabi ni outgoing Press Secretary Jesus Dureza, ilang beses nang kinaladkad ang pangalan ni FG Arroyo sa mga kon­trobersya pero hindi na­man napapatunayan ang mga alegasyon laban sa Unang Ginoo.

Wika pa ni Sec. Du­reza, dapat maging “fair” ang mga kritiko kung saan ay iginagalang din ang karapatan ng ibang mama­mayan. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)

BAGAMAN

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LACSON

LUNA

LUNA CONSTRUCTION

SHY

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with