Miriam kay FVR: 'Wag mo akong ipagdasal
Sa halip na magpasalamat, ikinairita kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang pagdarasal para sa kanyang kalusugan ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Sa isang panayaam, tahasang sinabi ni Santiago na uma asa siyang hindi pinakikinggan ng Diyos ang panalangin ni Ramos at umaasa rin itong titigil na ng dating pangulo sa pagdarasal para sa kanya.
“I hope God doesn’t listen to his prayer. I hope he (Ramos) stops praying for me,” sabi ni Santiago nang kunan ng reaksyon kaugnay sa sulat na ipinadala sa kanya ni Ramos.
Tahasan pang tinawag ni Santiago na “polluted source” si Ramos at hindi na umano dapat binabanggit ang pangalan nito. Sa sulat ni Ramos at ng asawa nitong si Ming Ramos kay Santiago na may petsang Enero 20, 2009 sinabi ng dating pangulo na umaasa siya at ang kanyang pamilya na mabalik sa dating sigla ang kalusugan ng senadora.
Matatandaan na matagal na umabsent si Santiago sa Senado dahil sa tinatawag na “chronic fatigue”. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending