^

Bansa

PGMA nagpa-abot ng pagbati kay Obama

-

Ipinaabot kahapon ni Pangulong Arroyo ang kanyang pagbati sa pag-upo ni US President-elect Barack Obama na pormal nang nanumpa kahapon bilang bagong pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa.

“In my conversation with Senator Barrack Oba­ma before the elections and President Elect Oba­ma after his election, it was made clear that the special relationship between the US and the Philippines will continue unabated,” wika ni Mrs. Arroyo sa ginanap na taunang Vin d’ Honneur sa Malacañang.

Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang men­sahe sa mga ambassadors na dumalo sa vin d’ honneur, bago mahalal hanggang sa mahalal na ika-44 na pangulo ng US si Obama ay siniguro nito ang pananatili ng magan­dang relasyon ng RP-US.

Bukod dito, ipinag­ma­laki din ng Pangulo na may­roong ginagampa­nang mahalagang papel ang Amerika sa buhay ng mga Pilipino kung saan ay magkatuwang na naki­pag­laban ang RP-US sa Wolrd War II.

Samantala, napaha­nga sa ganda ng tinig ng batang mang-aawit na si Charice Pempengco si US Ambassador Kristie Kenny ng kumanta ito sa pre-inaugural concert para kay Obama.

Wika ni Kenny, ma­ipag­mamalaki ng Pilipinas si Charice at tunay na kina­ tawan ito ng mga Pili­pino sa historic event ng Estados Unidos. (Rudy Andal)

vuukle comment

AMBASSADOR KRISTIE KENNY

BARACK OBAMA

CHARICE PEMPENGCO

ESTADOS UNIDOS

MRS. ARROYO

OBAMA

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT ELECT OBA

RUDY ANDAL

SENATOR BARRACK OBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with