^

Bansa

Joey de Venecia hinarang sa Cebu

-

Nagmukha umanong martial law sa Cebu ka­makailan nang ha­rangin si Joey de Venecia III at pi­nigilan sa pagsa­sa­lita sa isang forum sa loob ng paaralan sa Mactan Air Base.

Ayon sa report, hindi nagbigay ng dahilan ang mga opisyal ng Air Force sa ginawang paglapasta­ngan sa karapatan ni de Ve­necia na gamitin ang kan­yang kalayaan sa pag­papahayag ng opinion.

“Mahirap talagang ma­ging Joey de Venecia,” hi­naing ng negosyante.

Ni hindi umano pinapa­sok ang negosyante sa nabanggit na paaralan, na nag-imbita sa kanya upang magsalita sa harap ng mga estudyante at guro.

Ayon sa mga huma­rang na opisyal ng Air Force, ang kautusan na pigilan si de Venecia ay “galing sa itaas,” ngunit hindi binanggit kung si­nong nakatataas ang nag­bigay ng utos.

Minabuti naman ng negosyante na huwag nang igiit ang karapatan na lumahok sa nasabing forum upang maiiwas na mapag-initan ang mga karaniwang sundalo ng mga nakatataas sa ka­ nila.

Nakatakda sanang mag­talumpati si de Vene­cia sa isang forum na inorga­ nisa ng mga estudyante at faculty ng Philippine State College of Aeronautics.

Lumipad patungong Cebu ang negosyante mula sa kanyang opisina sa Makati para mapagbigyan ang paanyaya ng paaralan at sagutin ang kanilang mga katanungan ukol sa mga pambansang isyu.

Nagpahayag naman ng panlulumo ang mga estudyante at guro sa nakahihiyang pagtrato sa kanilang panauhin, na na­ging prominente sa bansa dahil sa pagbubul­gar ng anomalya sa pamaha­ laan.

Ipinaliwanag ni Prof. JM Sarsalejo, isang faculty member, na may naunang pahintulot ang mga opisyal ng Mactan Air Base ukol sa pagsasagawa ng forum kaya nabigla ang lahat nang harangin si de Ve­necia.

Isang aktibong taga­pagtaguyod si de Venecia ng Alay sa Kawal Foundation, na tumutulong sa mga sundalo at mga pamilya ng mga kawal na nasugatan o namatay sa pagtupad sa kanilang tungkulin. (Butch Quejada)

vuukle comment

AIR FORCE

AYON

BUTCH QUEJADA

CEBU

KAWAL FOUNDATION

MACTAN AIR BASE

PHILIPPINE STATE COLLEGE OF AERONAUTICS

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with