Leviste 12 yrs. kulong sa homicide!
“Guilty” ang naging ha tol kahapon ng korte kay ex-Batangas Governor Jose Antonio Leviste kung saan sinentensiyahan ito ng 6-12 taon na pagkabilanggo sa kasong homicide sa pagpaslang nito sa kanyang matalik na kaibigan at personal aide na si Rafael delas Alas noong Enero 12, 2007 sa LPL Tower na pag-aari ng gobernador sa Legaspi Village, Makati City.
Sa 38-pahinang desisyon ni Presiding Judge Elmo Alameda ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 150 sa isinagawang promulgasyon sa nasabing kaso kahapon ng umaga, nabigo ang akusado na patunayang self-defense ang nangyari dahil sa li mang tama ng bala ng biktima.
Bukod naman sa 6-12 taong pagkakabilanggo, pinagbabayad rin ng korte si Leviste ng P50,000 “civil damage o indemnity” at ka ragdagang P50,000 naman bilang ‘moral damage’ sa mga naulila ni delas Alas.
Matapos basahan ng hatol, kaagad na idiniretso sa Makati City Jail si Leviste kung saan mismong si Makati Police chief Gilbert Cruz ang sumundo dito at ang service vehicle ng huli ang sinakyan ng una patu ngo sa nasabing bilangguan. Inaalam na kung saang selda ito ipapasok.
Una rito ay nagkaroon ng kalituhan kung sa Makati City Jail dadalhin si Leviste o sa New Bilibid Prison ngunit nagdesisyon si Judge Alameda na sa piitan ng lungsod ito dalhin sa dahilang 6-12 taong pagkakabilanggo lamang ang hatol dito.
Ibinasura naman ng hukom ang apela ng pamilya Leviste na payagang makalaya ang akusado habang inaapela pa ang kaso sa Court of Appeals.
Bukas ay magdadaos ng kanyang ika-70 kaarawan si Leviste ngunit hindi naman nabatid kung magkakaroon pa rin ito ng birthday party sa piitan gaya ng nakasanayan nito.
Magugunitang unang iniakyat sa murder ang demanda matapos itong kasuhan ng homicide dahil sa apela ng pamilya delas Alas subalit sa kasong homicide pa rin ito bumagsak.
Ibinaba ang hatol kay Leviste dalawang araw matapos ang dalawang taong anibersaryo ng krimen.
Si Leviste na isang Mus lim ay dating mister ni Sen. Loren Legarda at may dalawa silang anak. Ang 35-anyos na Asian gold medalist at equestrian na si Toni Leviste ay anak ni Leviste sa unang asawa nito. Nagsilbi si Leviste bilang gobernador ng Batangas mula 1972 hanggang 1980. Ang kasalukuyang vice governor ng Batangas na si Mark ay pamangkin ni Leviste, na tumalo kay Edwin Ermita, anak naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita.
Matatandaang si Leviste ay unang inakusahang pumatay kay delas Alas noong Enero 12, 2007 sa kanyang opisina sa Makati City.
Una ng nakulong sa Makati City Jail si Leviste sa umpisa ng paglilitis sa kanyang kaso noong taong 2007.
- Latest
- Trending