18 Pinoy seamen binihag sa Somalia nakauwi na
Nakauwi na sa bansa ang may 18 tripulanteng Pinoy na hinostage ng halos 71 araw ng mga pirata habang naglalayag sa karagatang sakop ng Somalia.
Ang mga seamen na pawang crew ng MV Centauri, isang Greek owned cargo vessel, ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport kamakalawa sakay ng Malaysian Airlines flight MH-704 mula sa Port ng Mombasa sa Kenya via Kuala Lumpur.
Kinilala ang mga tripulante na sina ship Capt. Renato Tanada, 2nd Engr. Catalino Burigsay, C/Eduardo Tanada, 3/M Arnulfo Catraje, A/O Joaquin Atienza, Carlos Abrazado, Ladelie Pancho, Eque Ogatis, Eduardo Capatar, Marius Cardenas, Rafel Natividad, Rodolfo Carpio, Eduardo Limos, Jr., Reynaldo Lingatong, Jr. at Dennis Ponayo.
Sinalubong ang mga tripulante ng mga kinatawan ng DFA, OWWA, MIAA, Trade Philippine Shipping, ang recruitment agency ng mga pinalayang Pinoy seamen at kanilang mga pamilya at kaanak. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending