^

Bansa

P50-B naipamahagi ng SSS sa mga miyembro

-

Umaabot sa P50 Bil­yon halaga ng pondo ang benefit disbursement na naipamahagi ng Social Security System (SSS) para sa mga miyembro nito sa loob ng siyam na buwan mula Enero hang­gang Setyembre ng ta­ong ito.

Ayon kay SSS President at CEO Romulo Neri, may 13 percent taas ang naipamahagi ng SSS ngayong taon kung ikukumpara noong 2007 sa kaparehong period.

“We encourage members to make paying their monthly contributions a habit to remain eligible for SSS benefits.. more contributions also translate to higher benefits,” pahayag ni Neri.

Anya, ang retirement payments ng ahensiya ay umaabot na sa P24.06 Bilyon o may kalahating halaga ng disbursement at death benefits naman ay umabot sa 84% ng kabuuang halaga.

Ang maternity claims ay tumaas ng 16 percent o may halagang P2.48 Bilyon mula sa dating P2.13 Bilyon sa kapare­hong period.

Nakapagtala ang SSS ng double digit na paglaki ng bayarin sa death benefits na tumaas ng 13% o P18.2 bilyon at ang retirement claims ay tumaas ng 14 percent mula P21.09 bilyon no­ong nakaraang taon.

May kabuuang P2.43 bilyon ang naipalabas ng SSS sa pension benefits para sa partial at total disability benefits, P1.71 bilyon para sa funeral claims at P1.36 bilyon para sa sickness at health services mula Enero hangang Setyembre 2008. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANYA

AYON

BENEFITS

BIL

BILYON

ENERO

ROMULO NERI

SETYEMBRE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with