Ekonomiya ng Pinas bumagsak sa 2.1% - PSA
MANILA, Philippines — Nagtala ng 2.1% Gross Domestic Product (GDP) growth ang ekonomiya ng Pilipinas nitong ikatlong quarter (Hulyo hanggang Setyembre) ng 2026.
Ayon sa opisyal na ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Lunes, ito ang pinakamabagal na quarterly growth ng bansa mula noong unang quarter ng 2021 (kasagsagan ng pandemya).
Mas mababa rin ito sa naitalang growth rate na 4.0% sa kaparehong panahon noong 2025.
Bunsod nito, naging mas mahirap para sa bansa na maabot ang taunang target nito na na 3.5 hanggang 4.5 porsyento habang nananatiling mahina ang paggastos ng gobyerno at lokal na demand sa gitna ng mga panggigipit mula sa iskandalo sa korapsyon at digmaan sa Gitnang Silangan.
- Latest















