Piston nagkasa ng transport strike vs Trump sa Nobyembre 16
MANILA, Philippines — Magkakasa ang transport group na PISTON ng isang araw na kilos-protesta sa Nobyembre 16 laban kay US Pres. Donald Trump. Ito’y kasabay ng pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2026 Summit sa Metro Manila.
Ayon kay PISTON President Mody Floranda, sasalubungin nila si Trump ng protesta pagdating nito sa bansa. Aniya, bahagi pa lamang ito ng serye ng mga aktibidad na kanilang isasagawa upang tuligsain ang US president.
Matatandaang umani ng mga batikos si Trump dahil sa nagaganap na tensiyon sa Gitnang Silangan, na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ani Floranda, sa sandaling lumapag si Trump sa Pilipinas, gagamit sila ng mga jeepney upang iprotesta ang pagbisita nito sa bansa.
Una na rin namang nagdeklara ang ilang aktibista at student group na magdaraos ng protesta laban kay Trump.
Ang ASEAN Summit na isasagawa sa Pasay City ay idaraos mula Nobyembre 16-18.
- Latest



















