VP Sara lugi sa malaking bayad sa mga abogado - Barbers
MANILA, Philippines — Lugi umano si Vice President Sara sa malaking halaga ng bayad nito sa kaniyang mga defense counsels upang ipagtanggol siya sa paglilitis sa Senate impeachment court.
Ito ang inihayag ni House trial adviser at Spokesperson Robert Ace Barbers matapos naman ang magkakasunod na pagsablay sa testimonya ng tatlong iprinisintang testigo ng defense team ni VP Sara.
Kabilang sa mga ito ay sina Davao City Assessor Engineer Jaime Adalin na iniharap noong Lunes na mistulang nagka-amnesia sa travel trips nito sa China habang hindi rin matukoy ang ari-arian ni VP Sara sa Brgy. Matina Crossing 74-A kung ito ang nakatala sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Sa pagpapatuloy ng paglilitis nitong Martes ay iniharap naman si Engineer John Kenneth Enumerable na hindi naman batid ang geography sa Island Garden City of Samal sa Brgy. San Isidro, Kaputian District ng nasabing isla at ang Sitio Matanos sa Brgy Pangubatan na kinaroroonan umano ng ari-arian ni VP Sara.
Samantalang si Davao City Accountant Vingiline Bajan ay hindi mismo makilala ang kaniyang pirma sa partnership sa isang accounting firm. ?“Well, I think all I can say is that sayang ang bayad ng ating bise presidente sa mga abogado nito,” ani Barbers.
Inihayag ni Barbers na hindi kapani-paniwala ang mga testimonya ng naturang mga testigo na nabigong sagutin sina private prosecutors Benjamin “Jay” Tolosa at May Divinagracia.?“‘Yung witness ay nagbigay ng incredible testimony. Hindi credible ha, kundi incredible testimony,” ani Barbers.
Si VP Sara ay nililitis sa kasong ‘unexplained wealth’ sa ilalim ng Article II kaugnay ng paglobo umano ng kayamanan sa P817.87 milyon na sa agresibong pagtaya ni financial forensic expert Atty. Alexander Cabrera ay aabot sa P1.5 bilyon.
- Latest




















