LTO-TV inilunsad
Inilunsad kahapon ng Land Transportation Office ang paglalagay ng LTO-TV sa ahensiya bilang hakbang nito na mapaigting ang kampanya laban sa katiwalian.
Sinabi ni LTO Chief Alberto Suansing at Mr Ra mon Reyes, Vice President for IT and Business Concern ng Stradcom, na ang pagkakabit ng LTO- TV sa lahat ng sangay ng ahensiya sa buong bansa ay naglalayong masugpo ang katiwalian sa ahensiya partikular ang paglipana ng mga fixer dito.
Sa LTO-TV, malalaman ng bawat indibidwal ang ibat ibang impormasyon na nais malaman sa ahensiya partikular ang mga bayarin at requirements sa pag kuha ng lisensiya at pagrerehistro ng mga sasakyan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending