^

Bansa

Biyahe ni PGMA sa Cotabato nakansela

-

Dahilang pang-segu­ridad ang rason kung ba­kit nakansela ang pag­bisita ni Pangulong Arroyo sa Shariff Kabun­suan kaha­pon, ayon kay Press Secretary Jesus Dureza.

Ipinabatid ni Dureza na kinansela ang biyahe bun­sod na rin ng payo nina Lieutenant General Ar­mando Cunanan, pi­nuno ng Eastern Minda­nao Command ng Armed Forces of the Philippines at Major General Ray­mundo Ferrer, 6th Infantry Division commander.

“In spite of the insistence of the President to go on with the trip, the security assessment was that it would be better for her sake and the coun­try’s sake that we forego her engagement in Sultan Mastura,” wika ni Dureza.

Noong Huwebes, isang bomba ang suma­bog sa isang kalsada sa Datu Odin Sinsuat, kung saan makikita ang pali­paran ng Shariff Kabun­suan. Wala namang na­su­gatan sa pagsabog.

Kahit wala namang ki­nalaman ang pagsabog sa biyahe ni Pangulong Arro­yo, nagkaroon ng pag-aalala sa seguridad ng Chief Executive dahil kaila­ngan niyang magbi­yahe sa kalsada.

Hiniling ni Pangulong Arroyo kay Dureza na pangunahan ang Christmas food program sa Ta­payan Elementary School sa Sultan Mastura, kung saan nakatakda ring pa­ngunahan ng Chief Executive ang pamimigay ng farm inputs at food packs sa mahihirap na pamilya.

Sasaksihan din sana ni Pangulong Arroyo ang bentahan ng palay sa pagitan ng mga magsa­saka at National Food Authority sa palay buying station ng bayan at da­daan sa medical at dental mission ng PAGCOR. (Rudy Andal)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF EXECUTIVE

DATU ODIN SINSUAT

DUREZA

EASTERN MINDA

ELEMENTARY SCHOOL

PANGULONG ARROYO

SHARIFF KABUN

SHY

SULTAN MASTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with