^

Bansa

Chacha kinondena

- Nina Lordeth Bonilla At Rose Tamayo-Tesoro -

Kinondena ng libu-libong dumagsa sa interfaith rally kahapon sa Makati City ang isinu­sulong na Charter change (Cha­cha) ng mga kaal­yado ni Pangulong Arroyo.

Pinangunahan ng opo­­sisyon, simbahan at iba’t ibang caused oriented groups ang rally na inum­pisahan alas-4 pa lang ng hapon bunga na rin ng hindi mapigilang pagdagsa ng mga tao sa Ayala Avenue.

Ayon kay Sen. Jing­goy Estrada, dapat na kumilos ang sambayanan upang pigilan ang pag­babago ng Saligang Ba­tas at pana­natili pa ni Pangulong Arroyo sa pwesto.

Bukod kay Es­trada, dumating din sina Senators Manny Villar, Panfilo Lac­son, Alan Peter Ca­yetano, Mar Roxas, Ro­dolfo Bia­zon, Loren Le­garda at Fran­cis Escu­dero na karamihan sa kanila ay nakasuot na bullet proof vest bunsod ng kumalat na text na may assassination plot sa mga dadalo sa rali.

Hindi naman nakadalo si dating Pangulong Joseph Estrada at kina­ilangang kumalas sa rali matapos impormahan ng doktor ng inang si Doña Mary, 103 anyos, na lu­mulubha ang kondisyon ng huli.

Gayunman, nagpasya si Erap na huwag ng bu­ma­lik sa rally at bantayan na ang ina hanggang sa bu­mu­ti ang kalagayan nito. Ma­higit isang taon nang naka-confine sa San Juan Medical Center si Doña Mary.

Nakiisa rin sa pag­titipon sina JIL leader Bro. Eddie Villanueva, Frank­lin Drilon, Makati Mayor Jejomar Bi­nay, former vice-president Teofista Guingona at iba pang mga kritiko ni Pa­ngulong Arroyo.

Daan-daan namang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ang maagang nag-walk out sa kanilang mga klase para magpa­kita ng su­porta sa nasabing anti-Chacha rally.

Umaabot sa 4,700 mi­yembro ng kapu­lisan ang ipinakalat upang panga­lagaan ang seguri­dad ng mga lumahok sa nasa­bing rally, habang apat na 6x6 military truck na puno ng mga naka-unipor­meng miyembro ng Philippine Army ang ipinadala rin ng AFP.

Bago pa man suma­bak ang Civil Disturbance Management Unit ng pulisya ay isinalang muna ang mga ito sa lecture ng Commission on Human Rights (CHR) kung saan nangako ang pa­mu­nuan ng pulisya na paiiralin nila ang kahala­ga­han ng pag-res­peto sa ka­rapatan ng mga rali­yista sa pama­mahayag pati na maximum tolerance.

Ilang grupo naman mula sa North Luzon na mga kasamahan ni Bi­shop Soc Villegas ang napa­ba­litang naharang sa checkpoint ng NLEX, ha­bang ang mga raliyista mula Cavite ay ini­ulat na hina­rang din.

ALAN PETER CA

AYALA AVENUE

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNIT

EDDIE VILLANUEVA

HUMAN RIGHTS

LOREN LE

MAKATI CITY

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with