Meralco pinagsabihan ng CA
Idiniin kahapon ng Court of Appeals na hindi maaaring basta na la mang puputulan ng kuryente ng Manila Electric Company ang sinumang kustomer nito kahit pa mahuli itong gumagamit ng iligal na kuneksyon.
Ginawa ng CA ang dek larasyon kaugnay sa Kaso ni Ambassador Enrique Syquia kung saan nadiskubre ng Meralco na may “jumper” ang bahay nito sa North Forbes Park, Makati City noong taon 1999.
Sa desisyon ng CA 15th division, pinagbaba yad ng hukuman ang Meralco ng mahigit P400,000 danyos dahil sa pagputol sa suplay ng kuryente sa bahay ng embahador makaraang matuklasan ang jumper na nakapaloob sa sementadong pader nito.
Siningil pa ng Meralco si Syqiua ng 119,000 pesos na deposito para sa differential billing na mahigit P800,000.
Subalit lumitaw sa pagdinig ng korte na naroroon na ang nasabing “jumper” bago pa man nabili ni Syquia ang nasabing bahay.
Lumitaw din na hindi nakaapekto sa billing ng kuryente ang naturang “jumper” at umaabot pa rin sa daan-daang libong piso ang binabayarang kuryente ni Syquia.
Nilinaw ng CA na hindi maaaring putulan ng kuryente ang isang consumer nang walang written notice o babala mula sa Meralco.
Bukod dito, kailangan ring may kasamang pulis o kinatawan mula sa Energy Regulatory Board ang mga tauhan ng Meralco kapag may sinisiyasat silang iligal na kuneksyon bago nila ito agarang putulan ng suplay ng kuryente ang isa nitong kustomer. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending