Labi ng 2 Pinoy na nasawi sa Houthi attack, dumating na
MANILA, Philippines — Dumating na kahapon sa bansa ang labi ng dalawang tripulantemg Pinoy na nasawi sa pag-atake ng mga armadong Houthi sa MV True Confidence.
Alas-9 ng umaga nang dumating sa Cargo area ng Philippine Airlines ang dalawang casket sakay ng PAL flight mula sa Dubai.
Sumalubong dito ang kanilang mga mahal sa buhay kasama ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), ng kanilang manning agency at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Matatandaang inatake ng mga Houthi ang bulk carrier na MV True Confidence habang naglalayag ito sa Red Sea noong Marso 6, 2024.
Nagtulong-tulong din ang DFA, DMW, manning agency at OWWA upang maproseso ang pagpapauwi sa mga labi, kasama ng mga kaanak upang matiyak na ang buong tulong at suporta ay maibibigay sa kanila.
- Latest