^

Bansa

Sa panawagang 'People Power', sedition vs 2 obispo

- Gemma Amargo-Garcia -

Nagbanta si Justice Secretary Raul Gonzalez sa dalawang obispo ng Simbahang Katoliko na hindi niya palalampasin ang ginawang panawa­gan ng mga ito sa taum­bayan para mag-aklas kontra sa Pangulong Arroyo.

Ayon sa Kalihim, pa­sok ang mga pahayag nina Bishops Antonio To­bias at Deogracias Iñi­guez sa kasong inciting to rebellion o inciting to sedition na isa umanong malinaw na paglabag sa Revised Penal Code.

Ito ay dahil sa nagpa­ha­yag umano ang dala­wang obispo sa publiko na gayahin ang pagkilos ng mga protester sa Thailand kasunod pa nito ang pagbasa ng sulat ni Gen. Danilo Lim.

Subalit inamin naman ni Gonzalez na nag-iingat din sila sa pag­ sasampa ng kaso laban sa mga ito at sa ka­sa­lukuyan umano ay tini­timbang pa lamang nila kung may susunod pang panawagan sina Tobias at Iñiguez bago nila ito pormal na sampa­han ng kaso.

Naniniwala ang kali­him na dapat munang big­yan ng benefit of the doubts ang dalawa dahil mga alagad ng simbahan ang mga ito.

Bukod dito, mga in­teli­hente umano sina Tobias at Iñiguez kaya alam nila ang kanilang mga gina­gawa.

Iginiit pa ni Gonzalez na dapat maging respon­sable ang mga taga sim­bahan dahil hindi biro ang maaring mangyari sa sandaling maudyukan nila ang damdamin ng publiko.

Bukod dito tahasan din umanong nilabag ng dalawang obispo ang boundary ng separation of church and state na labas umano sa tung­kulin ng mga ito bilang mga opisyal ng simba­hang Katoliko.

Samantala, nanini­wala naman si Gonzalez na walang ibang nagsul­sol sa dalawang obispo sa kani­lang mga paha­yag kundi silang dalawa la­mang.

BISHOPS ANTONIO TO

BUKOD

DANILO LIM

DEOGRACIAS I

GONZALEZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PANGULONG ARROYO

REVISED PENAL CODE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with