^

Bansa

Respeto ko kay Erap 'di nagbabago - Villar

-

Hindi nagbabago ang respeto at pakikipag­ka­ibigan ni dating Senate President Manny Villar kay dating pa­ngu­long Joseph Estrada sa kabila ng naga­nap na reor­ganisas­yon sa Senado.

Ang pahayag ay gi­nawa ni Villar sa pagdalo sa founding anniversary ng bayan ng Tublay sa Ben­guet, kaugnay sa mga ulat na kasabwat si Estrada sa pagluklok kay Sen Juan Ponce Enrile bilang ba­gong lider ng Senado.

Matatandaan na inulat na isiniwalat ng isang se­nador na kaalyado ng ad­ministrasyong Arroyo na may partisipasyon ang dating pangulo sa pagpapalit ng liderato.

“Si Erap ay nanana­tiling isa kong kaibigan, hanggang ngayon,” ayon kay Villar. “I respect him as a friend. I have no bad feelings for him.”

Hinala ni Villar may nais sumira ng kanilang pagkakaibigan ni Estrada lalo na ngayon na tumitindi na ang girian para sa 2010 presidential elections.

Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, pantay sina Villar at Es­trada sa ikalawang pwesto na may tig-17 %. Isang pun­tos lang ang kala­mangan sa kanila ng na­ngungunang si Vice Pres. Noli de Castro (18%).

Sinabi naman ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang mga kapwa senador sa oposisyon na nagha­hangad ding tumakbong presidente sa 2010 ang nagsabwatan upang ma­alis siya sa pwesto dahil sa patuloy na pagtaas ni Villar sa ratings. Uma­asa si Cayetano na tu­tu­parin ng mga nag­sab­wa­tang presi­ den­­tiables na ka­galingan ng tao ang uuna­hin ng mga ito at hindi pa­mu­mulitika. (Butch Quejada)

ALAN PETER CAYETANO

BUTCH QUEJADA

JOSEPH ESTRADA

PULSE ASIA

SEN JUAN PONCE ENRILE

SENADO

SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

SHY

SI ERAP

VICE PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with