'Search for the AFP-PNP Singing Star 2008' inilunsad
Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalo at pulis na itinataya ang kanilang buhay upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bansa, inilunsad ng Air Material Wing Savings ang Loan Association Inc. (AMWSLAI) sa pakikipagtulungan sa Phil. Army Officers Ladies Club (PAOLC) ang “Search for the Armed Forces of the Philippines (AFP)-Philippine National Police (PNP) Singing Star 2008” at ang “AFP-PNP Songwriting Contest 2008.” Bukas ang singing contest sa lahat ng mga sundalo at pulis na nasa aktibong serbisyo at may tatlong buwan na sa trabaho habang ang songwriting competition ay bukas naman sa lahat ng banda ng AFP (Army, Air Force at Navy) at PNP. Ang grand finals ng dalawang patimpalak ay gagawin sa Dis. 19 sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ayon kay retired PAF Col. Ricardo Nolasco Jr., chairman at president ng AMWSLAI, ang mga magwawagi sa singing contest ay tatanggap ng mga ss: grand rize winner, P50,000 cash at trophy; 1st runner-up, P30,000 at trophy; 2nd, P20,000 at trophy. Ang mother unit ng 3 top winners at iba pang finalists ay tatanggap ng cash prizes.
Sinabi naman ni PAOLC adviser Beth Ibrado na ang papremyo sa songwriting contest ay: 1st prize, P30,000; 2nd prize, P20,000; 3rd, P15,000 at 4th, P10,000.
Ang lahat ng entries sa songwriting ay kailangang maisumite sa Phil. Army Officers’ Clubhouse, Fort Bonifacio, Makati City, bago sumapit ang Okt. 30 habang sa singing contest ay kailangang maisumite hanggang Okt. 30 sa pinakamalapit na branch o liaison office ng AMSWLAI.
- Latest
- Trending