^

Bansa

13 illegal aliens naharang ng BI

-

Nasabat ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may 13 dayuhan na illegal na nakapasok sa bansa at pinaniniwalang sangkot sa human smuggling syndicate.

Sinabi ni Immigratin Commissioner Marcelino Libanan na ang 13 illegal aliens ay kinabibilangan ng anim na Indian at pitong babaeng Chinese nationals na naharang sa NAIA arrival area.

Ang anim na Indian national ay ibinalik sa kanilang bansa dahilan sa pagkakaroon ng pekeng entry visas sa kanilang pasaporte samantalang ang mga Chinese ay nabigo namang maipaliwanag kung ano ang dahilan ng kanilang pagpunta dito sa Pilinas.

“They were immediately booked on the first available flights to their ports of origin and I have ordered their inclusion in our immigration blacklist of undesirable aliens,” ayon pa kay Libanan.

Inalerto na ni Libanan ang mga immigration officers sa NAIA dahil sa magkasunod na pagtatangkang pag­pasok ng mga illegal aliens sa loob lamang ng apat na araw.

Naghihinala rin ang BI na ang mga dumating na wa­long Chinese ay posibleng mga prostitutes at nag­pa­ panggap lamang na mga turista. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

GEMMA AMARGO-GARCIA

IMMIGRATIN COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

INALERTO

LIBANAN

NAGHIHINALA

NASABAT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with