^

Bansa

Animal feeds ginawang gatas

-

Naalarma si Presidential Anti-Smuggling Group Undersecretary Antonio Villar Jr. Villar sa pagkadis­ kubre na ang mga raw materials para sa pagkain ng mga hayop ay kino-convert umano sa mga food products matapos nilang sala­kayin ang isang bodega sa Bocaue, Bulacan.

Sinabi ni Usec. Villar na posibleng ang kanilang nadiskubreng ito ay “tip of the iceberg” pa lamang na posibleng magdulot ng peligro sa kalusugan ng tao.

“The product may not contain melamine but the fact that it is originally intended for animal feed then converted into milk for human consumption is something that may not agree with simple logic,” paliwanag pa ni Villar.

Ang sinalakay ng PASG ay pag-aari ng isang Mr. Co na nasa commercial complex ng Boomtown Industrial subdivision sa barangay Tambubong sa Bocaue kung saan ay nasamsam ang may P5 milyong halaga ng animal feeds na mula sa New Zeland.

Ang mga animal feeds ay may tatak na “stockfeed not fit for human consumption” subalit natuklasan ng PASG na nire-repack ito at pinapalitan ang label bilang milk product na “beneficial for growing children, women and elderly”.

Pinapalabas na may­roong mga nutrients ang nasabing gatas para sa mga bata gayundin sa mga ma­tatanda lalo na ang may­sakit na arthritis at osteoporosis. (Rudy Andal)

BOCAUE

BOOMTOWN INDUSTRIAL

BULACAN

MR. CO

NEW ZELAND

PINAPALABAS

RUDY ANDAL

SINABI

SMUGGLING GROUP UNDERSECRETARY ANTONIO VILLAR JR. VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with