^

Bansa

Dela Paz uuwi na

-

Inaasahang darating na  sa Lunes o Martes  sa bansa si dating PNP Comptroller ret. Police Director Eliseo dela Paz  at dala­ wang iba pa mata­pos na pigilan ang mga ito sa pa­liparan ng Moscow, Russia dahil sa dalang 105,000 Euros o katum­bas na hala­gang P 6.930 milyon.

Sa mensaheng ipina­rating kahapon nina dela Paz at Police Regional Office (PRO) 9 Chief P/Director Jaime Caringal sa tang­gapan ni PNP Chief Director Jesus Ver­zosa  sa Camp Crame, nakumbinsi umano nila ang Russian authorities na legal ang dala nilang pera sa pamamagitan ng mga ipinakitang doku­mento dahilan para ma­isyuhan na sila ng pani­bagong visa.

“We are already cleared by Russian authorities  and we’ll be coming home soon,“ pahayag ni dela Paz kay Verzosa.  

Sina de la Paz at Ca­ringal ay kabilang sa 8-man team delegation ng PNP na dumalo sa 77th International Police (In­terpol) Conference sa St. Petersbura, Russia na ginanap noong Oktubre 6- 10.

Naharang ang dele­gas­yon sa Moscow airport noong Oktubre 11 habang pabalik na sa PIlipinas matapos mahu­lihan ng P6.9M ang ba­gahe ni dela Paz. Pina­yagang makauwi ang iba maliban kay dela Paz at misis nito, gayundin kay Caringal na sinamahan si dela Paz.

Una nang iginiit ni PNP Spokesman Nicanor Bar­tolome na legal ang nasa­bing salapi na bahagi ng contingency fund at tiniyak rin na dadaan sa masusing auditing ang nasabing pondo. (Joy Cantos)

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR JESUS VER

CHIEF P

DIRECTOR JAIME CARINGAL

INTERNATIONAL POLICE

JOY CANTOS

OKTUBRE

PAZ

POLICE DIRECTOR ELISEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with