Flood alert sa Bicol Region
Nagpalabas ng flood alert kahapon ang National Di saster Coordinating Council (NDCC) sa maraming mababang mga lugar sa Bicol Region na maaring idulot ng pag-apaw ng mga ilog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pablo.
Sinabi ni NDCC Spokesman at Deputy Director Dr. Anthony Golez Jr., pinag-iingat nito ang mga residente na naninirahan sa mga bahaing lugar.
Kabilang dito ay ang Catanduanes na sumasa kop sa mga ilog ng Cabuyan, Bato at Pajo; Date-Basud at Labo River sa Camarines Norte; Bicol at Lagonoy River sa Camarines Sur; Tambang, Donsol, Ogod at Puliao River sa Legazpi City; Cadacan, Banuang-Duan, Fabrica at Matnog Rivers sa Sorsogon; Daraga, Lanang Asid, Guiom at Malbag Rivers sa lalawigan ng Masbate.
Nagbabala rin si Golez sa mga posibleng malawakang flashflood sa pag-apaw ng mga ilog sa mga mababang lungsod at munisipalidad sa Bicol Region.
Tinukoy ni Golez ang Libon, Ligao City, Oas, Polangui, Bato, Baao, Bula, Nabua, Iriga City, Bombon, Cabusao, Calabanga, Camaligan, Canaman, Gainza, Magarao, Milaor, Minalabac, Naga City, Pamplona, San Fernando, Sipocot, at Libmanan.
Samantala, umabot sa may 1,224 pasahero ang na-stranded sa Ormoc, Tagbilaran. Stranded din ang may 111 trak, 19 kotse,16 pampasaherong bus at 47 mga sasakyang pandagat sa Cebu, Maasin, Tacloban, Catbalogan, Ormoc at Tagbilaran.
Kanselado at naantala naman ang biyahe ng malalaking airlines para sa kanilang local at international flights. (Joy Cantos/Doris Franche/Ellen Fernando)
- Latest
- Trending