Nina, banta sa eastern Luzon
Patuloy ang paglakas ng bagyong Nina at ito ay banta ngayon sa eastern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ganap na alas-11 ng umaga kahapon si Nina ay namataan sa layong 610 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang pinakamalakas na hanging 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 100 kilometro bawat oras.
Si Nina ay kumikilos puntang kanluran hilagang kanluran sa bilis na 13 km bawat oras.
Ngayong Linggo, si Nina ay inaasahang nasa layong 350 km ng silangan ng Virac, Catanduanes at bukas, araw ng Lunes, ito ay inaasahang nasa layong 295 km silangan ng Casiguran, Aurora.
Ang babala ng bagyo bilang isa ay nakataas sa Catanduanes.
Lalung lumalakas si Nina bunsod ng epekto dito ng Southwest Monsoon kaya makakaranas ng mga pag-uulan sa buong Visayas at Mindanao. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending