^

Bansa

Oposisyon lalong biniyak ni Lacson - Jinggoy

-

Tahasang sinabi kaha­pon ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada na lalo lamang bi­niyak ni Sen. Panfilo Lac­son ang oposisyon dahil sa isyu nitong ‘budget insertion’ na pinalalabas niyang pinakiki­ nabangan ng ilang mamba­batas.

Ayon kay Estrada, iisang tao lamang ang nagiging sanhi nang pag­kakawatak-watak ng opo­sis­yon na nahati din noong 2004 presidential elections matapos sabay na kuman­didato si Lacson at ang na­mayapang actor na si Fer­nando Poe Jr.

Naniniwala si Estrada na hindi tamang gamiting isyu sa corruption ang P200 milyong budget insertion para sa proyekto ng C-5 dahil wala namang naipala­bas na pondo ang gob­yerno.

“How can you say there is corruption when the funds were not yet released. Wala namang naki­nabang. Congressional insertions are already a practice,” sabi ni Estrada.

Hindi pa umano siya se­ nador ay naririnig na niya ang katagang budget insertion kung saan isinisingit ng mga mambabatas sa pam­bansang budget ang kani­lang mga proyekto.

Nang tanungin kung hindi na magkakaroon ng “formidable lineup” sa 2010 ang oposisyon dahil sa panibangong pagka­ ka­wa­tak-watak nila, sinabi ni Estrada na magiging mala­kas pa rin ang ka­nilang mga kandidato.

Samantala, binoykot ng pitong se­ nador na kasapi sa minorya ang sesyon ng Senado kahapon.

Hindi sumipot sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., Sens. Mar Roxas, Panfilo Lacson, Benigno “Noynoy” Aquino III, Rodolfo Biazon, Loren Le­garda, Jamby Madrigal.

Karamihan sa mga umab­sent kahapon at nag­parating na nasa “official business” sila kaya hindi na­kasipot sa sesyon.

Kahit na wala ang minority leader at absent ang buong minorya sa Senado, sinabi naman ni Sen. Miriam Defensor Santiago na maaari pa rin nilang ipagpatuloy ang kanilang gawain bilang mga senador dahil mayroon naman silang quorum.

Hindi aniya dapat ma­apektuhan ng pag-absent ng mga taga-minorya ang pagpasa nila ng mga mahahalagang panukalang batas. (Malou Escudero)

vuukle comment

JAMBY MADRIGAL

LOREN LE

MALOU ESCUDERO

MAR ROXAS

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

PANFILO LAC

PANFILO LACSON

POE JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with