^

Bansa

Bravo, Kato at 80 pang MILF kinasuhan na!

-

Sinampahan na ng patung-patong na kasong kriminal ang mga kilabot na sina Kumander Bravo, Kumander Umbra Kato at 80 pang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang gina­wang pagsalakay at pag­paslang sa mga sibilyan sa ilang bayan sa Minda­nao.

Kabilang sa mga ka­song isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang “double murder, robbery-in-band at arson” laban kina Abdulrahman Maca­paar, alyas Kumander Bravo; Umbra Kato at kanilang mga tauhan.

Iginiit rin ni DILG Secretary Ronaldo Puno sa pamunuan ng MILF na isuko ang naturang mga rebelde sa pamahalaan upang mapanagot sa kanilang mga krimen.  Sinabi ni Puno na mapa­patunayan ng MILF ang kanilang sinseridad sa pagtutulak ng usapang-pangkapayapaan kung magagawa nilang isuko ang mga ito.

Sinabi pa ni Puno na ang pagkanlong sa natu­rang mga bandido ay ma­itutuging na pag-apruba nila sa brutal na aksyon ng kanilang mga tauhan.  Kung hindi umano matu­tu­lungan ang pamaha­laan ng MILF Central Committee, wala silang karapatan na magsalita para sa kanilang organi­sasyon dahil sa hindi nila kayang kontrolin ang mga tauhan.

“Kapag hindi sila tu­mulong, nangangamba ako sa mga mangyayari sa susunod na mga araw,” ani Puno.

Kabilang sa mga si­nampahan ng kaso ay ang 31 rebelde na su­muko sa pamaha­laan. Gagawin namang “state witness” ang mga ito kung saan posibleng bumaba ang kanilang kaso.

Nakatakda namang magtungo sa Mindanao si Puno upang makipag­pulong sa mga lider ng mga lokal na pamaha­laan, grupong Ulamas at mga Obispo ng Simba­hang Katoliko upang maibalik ang pagiging normal ng buhay ng mga inatakeng sibilyan ng MILF. (Danilo Garcia/Joy Cantos)

ABDULRAHMAN MACA

CENTRAL COMMITTEE

DANILO GARCIA

KUMANDER BRAVO

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with