Libreng abogado sa mga pulis na may asunto
Magkakaroon na ng libreng legal assistance ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) na nasasangkot sa mga kasong sibil, administratibo at kriminal.
Ito ay matapos lumagda sa isang kasunduan ang National Capital Regional Police Office (NCRPO), Aida Sy Foundation at Aguila Legis Fraternity hinggil sa pagsulong ng free legal assistance sa kapulisan.
Sa ilalim ng kasunduan, bibigyan ng libreng legal aid ang mga miyembro at opisyales ng PNP na nagkaroon ng kaso na konektado sa kanilang serbisyo.
Ang isang pulis na may kasong may kinalaman sa serbisyo ay hindi maaaring makatanggap ng promos yon sa ilalim ng batas ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Ayon kay PNP NCR Director Geary Barias, ang mga police officers na nagtatrabaho ng mahusay kung minsan ay madaling target ng harassment ng mga suspek at pamilya ng mga salarin sa pamamagitan ng pagsampa na kaso laban sa mga pulis.
Dahil sa mga kasong isasampa laban sa mga pulis ay malaki ang mawawala sa kanila dahil hindi sila mapo-promote at sariling pera ang gagastusin nila ang ibabayad sa abogado para labanan ang kaso. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending