^

Bansa

Apela ng kababaihan sa Mindanao, Give peace a chance!

-

Ito ang mariing panawagan kahapon ng Minda-   nao Commission on Women (MCW), Mothers for Peace (MFP) at Mindanao Peaceweavers (MPW) sa pama­halaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaug­nay na rin ng kontrobersyal na isyu ng Bangsamoro Juri­dical Entity (BJE) na napapaloob sa naharang na Memorandum of Agreement –Ancestral Domain (MOA-AD) signing sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto 5. 

Ayon sa grupo, sa halip umanong magbangayan at magsisihan ang mga opisyal ng pamahalaan at  mga local na opisyal mula sa North Cotabato, Iligan City sa Lanao del Norte, Isabela City sa Basilan at Zam­boanga City ay mas makabubuting magharap ang mga ito sa isang mapayapang dayalogo para maresolba ang problema.

Kasabay nito, nanawagan ang MPW, isang koalis­yon ng peace groups sa Mindanao Region na dapat magpakahinahon ang mga kinauukulan at hinikayat rin ang GRP at MILF na iwasan ang anumang aksyon na makapagpapalala ng kasalukuyang tension sa Min­danao. Gayundin ay dapat na obserbahan ng security forces ng pamahalaan at ng MILF ang ceasefire agree­ment para maiwasan ang bakbakan.

Sinabi ng mga ito na ang inisyung Temporary Res­training Order (TRO) ng Korte Suprema laban sa natu­rang MOA ay isang malaking dagok sa prosesong pangkapayapaan ng GRP sa hanay ng MILF rebels.

Nanawagan rin ang mga ito sa mga lider ng reli­hiyon sa bansa na magsilbing instrumento para buk-san ang isipan ng mga tao sa mga isyu kahalintulad ng naturang BJE.

Ipinunto pa ng mga ito na ultimong sina Mindanao Archbishops Orlando Quevedo ng Cotabato City at Antonio Ledesma ng Cagayan de Oro City ay nanini­walang isang positibong daan sa ikatatamo ng kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao ang kinuku-    wes­tiyong MOA-Ancestral Domain. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANCESTRAL DOMAIN

ANTONIO LEDESMA

BANGSAMORO JURI

COTABATO CITY

ILIGAN CITY

ISABELA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with