NP nagbigay ng tig-P.1M puhunan sa 16 natatanging mangangalakal
Upang mahikayat pa ang nagsisimulang mag negosyo mula sa maliit na puhunan, inilunsad ng Nacionalista Party ang paligsahang “Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga” at nagkaloob ito ng kabuuang P1.6 milyon sa mga nagwagi.
Sa dinner celebration sa makasaysayang Laurel Mansion sa Mandaluyong City, pinapurihan ni Senate President at NP President Manny Villar ang 16 na mga bagong usbong na entrepreneur na hinirang mula sa libo-libong sumali sa paligsahan. Bawat isa ay binigyan ng P100,000 na gagamiting puhunan.
“Ibinigay natin ang pag kilala sa ating mga mangangalakal na naghayag ng diwa ng sipag at tiyaga ng mga Filipino sa gitna ng mga pagsubok,” ani Villar na siyang nakaisip ng proyekto.
Ang NP at ang Sipag at Tiyaga Foundation ay nagsanib-pwersa upang matupad ang mithiin na isulong ang pagnenegosyo sa pamamagitan ng “Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga.”
Ang mga nagwagi ay sina: Sarah Dabucon at Margarita Allado mula sa Region 1; Albino Francisco, Calma Arcala, Albert Dulnuan, Elizabeth Africano at Solomon Maylem buhat sa Region 2; Pacifico dela Cruz ng Region 3 at Antonia Villanueva ng Region 4; Marianne Olano ng Region 5; Roland Madera ng Region 6; Lucresia Saga ng Region 7; Elizabeth Rafal ng Region 12; Ernesto Paglinawan buhat sa CARAGA Region; at Marie Saclag at Regina Madio mula CAR.
Sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng NP na ginanap sa Philippine International Convention Center noong Nobyembre ng nakaraang taon, inilunsad ng NP ang pambansang paligsahan para sa pinakamahuhusay at pinakamalikhain na entrepreneur.
Ang produkto ng mga nagwaging entrepreneur ay inihanay sa exhibit sa Market! Market! Shopping Complex sa
“Hindi lang pagkilala sa kakayanan ng bagong usbong na negosyante ang ating layunin, gusto rin natin silang hikayatin na ipagpatuloy ang pagnenegosyo kaya binigyan natin sila ng dagdag na kapital tulad ng Pondo,” diin ni Villar. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending