Sabio nag-sorry kay Lopez
Humingi ng paumanhin si Court of Appeals (CA) Associate Justice Jose Sabio kay Meralco Chairman Manolo Lopez dahil sa pagkakadawit ng pangalan nito sa kontrobersyal na usapin ng P10 milyon suhol dito.
Sinabi ni Sabio na siyang chairman ng CA 6th division, ang pagkakadawit umano ng pangalan ng negosyante ay kagagawan lahat ng negosyanteng si Francis de Borja.
Sa ngayon anya, kung ano man ang nararamdaman ni Lopez ay dapat nitong tanungin si de Borja dahil ito ang ugat ng lahat ng kaguluhan.
Dagdag pa ng Mahistrado na wala sana siyang balak na ilabas ang pangalan ni de Borja dahil nirerespeto niya ito at matagal na silang magkakilala subalit napilitan siya dahil hindi nito masikmura na hindi ilabas ang katotohanan lalo pa umano at reputasyon at dignidad niya ang nakasalalay dito.
Sa kabila nito nanindigan pa rin si Sabio na wala siyang kinalaman sa P10 milyon suhulan kaugnay pa rin sa kaso ng Meralco at GSIS.
Nagtataka din si Sabio kung bakit ganoon kaliit ang tingin sa kanya ni de Borja na kaya siyang suhulan ng salapi. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending