1.5 M botante sa ARMM
Tinatayang aabot sa 1.5 milyon ang rehistradong botante na lalahok sa automated elections sa Agosto 11 kaya naman hinimok ni Comelec Chairman Jose Melo ang bawat isa na lumabas ng kanilang mga tahanan sa araw ng botohan upang gamitin ang kanilang karapatan na maghalal ng kanilang lider.
Ayon kay Melo, mahalagang kilalaning mabuti at timbangin ang kredibilidad ng mga kandidato at makabubuti kung gagawa ng listahan ng mga pangalan ng mga taong iboboto nila sa halalan.
Hindi rin umano dapat na kalimutan ng mga botante na ilagay ang kanilang kasarian at edad sa mga OMR (optical mark reader) ballot o sa touch pad.
Nagpaalala din si Melo na rebyuhin muna ang procedure ng pagboto. Kung sa Maguindanao boboto, pindutin lamang ang imahe ng kandidato na nais iboto at kung sa Shariff Kabunsuan, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi naman, ay kinakailangan lamang na markahan o i-shade ang oval na nasa tabi ng pangalan ng mga kandidato na napupusuan.
Pinayuhan din ng komisyon ang mga botante na linawan ang pag-shade o pagmarka sa buong oval.
Alas-7 pa lamang ng umaga ay magsisimula na ang botohan at ito’y magtatapos ng
Ang mga botanteng illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat ay maaaring tulungan ng kaniyang kaanak na sakop ng 4th civil degree of consanguinity o affinity, pinagkakatiwalaang kasambahay, o ng mismong chairman ng Board of Election Inspectors (BEIs). (Doris Franche)
- Latest
- Trending