International flights sinimulan sa NAIA 3
Matapos buksan ng tatlong airline companies ang kanilang mga domestic flights sa bagong NAIA Terminal 3, sinimulan na rin kahapon ng Cebu Pacific Air ang kanilang international flight sa nasabing paliparan.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Al Cusi, tatlong international flight ng Cebu Pacific ang binuksan kahapon ng umaga at inaasahang susundan pa ito ng 15 arrival at 15 departure international flights.
“We are very happy that finally Terminal 3 is put into productive use,” pahayag ni Cusi sa media.
Magugunita na nitong nakalipas na Hulyo 22, 2008, sinimulan ng NAIA 3 ang operasyon nito para sa domestic flights kung saan nauna ang Cebu Pacific na sinundan ng PAL Express at Air Philippines.
Para sa unang semestre ng 2008, nakapagtala ang MIAA ng 2.7 milyong arrivals at 2.7 milyong pasahero na umalis. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending