^

Bansa

P2,000 dagdag sahod ng mga sundalo ibibigay na

-

Epektibo ngayong araw, mata­tanggap na ng 120,000 mga opisyal at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pa­ngako ni Pangulong Arroyo na 10% o P 2,000 dagdag na su­weldo.

Ito ang inihayag ka­hapon ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Ernesto Torres Jr. na isang malaking tulong sa pamilya ng mga sun­dalo partikular na nga­yong panahon ng krisis.

Nabatid na ang isang pangkaraniwang sun­dalo na may ranggong Private ay tumatanggap ng su­weldong P10,000 basic pay na aabot sa P14,000 kabilang na ang allowances.

Samantala ang Chief of Staff ay tumatanggap ng P46,000 bukod pa sa allowances na tinata­yang aabot sa P50,000 pataas.

Sa record ng AFP, ang isang Kapitan ay sumu­suweldo ng P27,800; Major P30,000, Lt. Colonel P34,400 at Colonel P36,300.

Bukod pa dito ang hazard pay na sa  Air Force ay 50% sa flying fee; P240 kada buwan sa combat pay ng Army na kahalintulad rin sa tina­tanggap ng Marines ha­bang 25% naman sa sea duty fee sa kabu­uang base pay ng Navy.

Maging ang mga detainees o ang mga opis­yal na nililitis sa coup plot tulad ng 28 officers na pinangungunahan ni da­ting Marine Commandant Major Gen. Renato Miran­da hanggat hindi napapa­tunayang guilty sa kasong kinakaharap ng mga ito ay makiki­nabang rin sa na­sabing dagdag su­weldo.

Gayunman, nilinaw ni Torres na hindi kabi­lang ang combat pay sa kaso nina Miranda dahil naka­kulong ang mga ito kaug­nay ng bigong Pebrero 2006 coup d’ etat. (Joy Cantos)

AIR FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF

ERNESTO TORRES JR.

JOY CANTOS

MARINE COMMANDANT MAJOR GEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with